CAFGU member nahuli sa buybust operation sa Surigao City

CAFGU member nahuli sa buybust operation sa Brgy. San Juan, Surigao City Kinilala ang suspek na si Juvy Perez y Sabanal, alias Nonoy, 54 taong gulang, aktibong miyembro ng CAFGU/30th Infantry Batallion, kasama rin sina Emely Migdonia Anastacio, 37 taong gulang at Teodelyn Ramirez alias Lyn-Lyn, 35 taong gulang. Nakuha mula sa kamay ng mga suspek ang 2 sachet ng pinaghihinalaang shabu, mga 2 grams ang bigat o may market value na P50,000, iilang drug paraphernalias at boodle money. Sa ngayon sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002 ang tatlong suspek. Samantala, inamin ng Spokesperson ng 30IB Phil Army, 2nd Lt. Jonel Castillo na kanilang tauhan si Perez at noon pa isinailalim sa obserbasyon dahil diumano’y may history. Sa pagkakahuli ng PDEA Ito’y nakatakdang haharap ng kasong kriminal at administratibo. Dagdag pa, kailangan itong dumaan sa proseso bago matanggal sa serbisyo.

Facebook Comments