Cafgu patay sa car accident sa bayan ng Midsayap North Cotabato

Isang Cafgu ang namatay matapos mabangga ng minamaneho nitong motorsiklo ang isang elf truck at tumilapon pa sa kasalubong na ten-wheeler truck sa national highway sa Brgy. Sadaan sa bayan ng Midsayap sa lalaeigan ng North Cotabato dakong alas-2 ng hapon kahapon.
Kinilala ang biktimang si Joemarie CabaƱera, 25-anyos, isang cafgu member ng 38 Infantry Battalion at residente ng Brgy. Palongogin sa bayan ng Midsayap.
Mabilis umanong binabaybay ng biktima sakay ng kanyang kulay pulang Badja Motorcycle ang daan mula Aleosan patungo ng Midsayap ng mabangga nito ang tail light ng kulay asul na Elf truck na minamaneho ni Mark Kim Biala Traspe, 25 anyos at residente ng Pigcawayan.
Tumilapon ang biktima at sa kasamaang palad ay nahagip ito ng kasalubong na ten-wheeler truck na minamaneho ni Albert Batislaong Hevias, 36 anyos tresidente ng Cotabato City.
Wala umanong suot na helmet ang biktima at nabagok ang ulo nito at humampas sa sementadong kalsada sa nasabing barangay. Sa ngayon ay nasa kostodiya na ng Midsayap PNP ang dalawang driver ng truck.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments