Cafgu patay sa pamamaril ng kanyang kasama sa Pigcawayan

59

Patay ang isang 29 anyos na Cafgu matapos pagbabarilin ng kanyang kasamahang Cafgu sa mismong kampo nila sa Simsiman Pigcawayan North Cotabato.

Kinilala ni 6th ID DPAO Chief Army Cpt. Arvin Encinas ang namatay na cafgu na si Noel Sauldan, residente ng Bulacawon . Nagtamo ng apat na tama ng bala mula sa Carbine Rifle ang biktima.

Sinasabing nagsimula mula sa di malamang margumento ng biktima at ang suspek na kinilalang si Wilson Esonsa na nauwi sa suntukan at barilan. Kumuha ng kanyang service firearm ang suspek dahil sa mas malaki umano ang biktima.

Di naman mabatid ang ugat dahilan ng pangyayari habang kalaboso na sa selda ng Pigcawayan PNP ang suspek at nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon.

Google Pic

Facebook Comments