*Kabilang ang lokal na pamahalaan sa lungsod ng Cagayan de Oro, sa listahan ng Department of Social Welfare and Development na bigo sa pagsumite ng kanilang liquidation reports, may kinalaman sa pundo para sa supplementary feeding program o SFP.*
*Napag-alaman na ang nasabing mga LGU ay may unliquidated balances ng SFP releases mula noong taong 2011 hanggang 2016.*
*Kabilang sa listahan ang Manila City na may mahigit 47 million pesos, Cebu City na may higit 23 million pesos, Iligan City na may higit 20 Million pesos, Taguig City na may higit 17 million pesos, Cagayan de Oro City na may 16 Million pesos, Puerto Prinsesa City na may higit 11 million pesos, Ayungon sa Negros Oriental na may higit 10 million pesos, Iloilo City na may higit 9 million pesos, Antipolo City na may higit 9 million pesos, at Zamboanga City na may higit 8 million pesos.*
*Ayon kay DSWD Officer-in-Charge Emmanuel Leyco na sa anim na taon, bigo umano ang nasabing mga LGUs sa pag sumite ng kanilang liquidation reports sa DSWD.*
Cagayan de Oro, kabilang sa ipinalabas na Shame list ng DSWD.
Facebook Comments