*CAGAYAN- *Pinulong ngayon ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang pamunuan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) bilang pghahanda na nalalapit na pananalasa ng bagyong Mangkhut o Ompong sa buong bahagi ng Northern Luzon.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Cagayan Governor Manuel Mamba, Napakahalaga umano na paghandaan ang mga ganitong sakuna kaya’t nararapat lamang na magkaroon ng pagpupulong sa mga opisyal kasama ang mga otoridad upang mapaghandaan ang mga nananalasang bagyo.
Aniya, Malaki umano ang kanilang nakuhang aral sa mga lumipas na pananalasa ng malalakas na bagyo sa kanilang lalawigan kaya’t mas lalo umano silang nakaalerto ngayon dahil sa paparating na bagyong Ompong at inaasahang mag landfall sa hilagang bahagi ng Cagayan.
Nagsagawa na rin sila ng information dessimination sa mga mamamayan maging sa social media upang maipaabot ang kanilang mga paalala.
Hinihiling naman ngayon ni Cagayan Governor Mamba ang kooperasyon ng bawat isa na magtulungan lalo na ngayong panahon ng kalamidad.