Cagayan, May 32 COVID-19 Active Cases

Cauayan City, Isabela- Bahagyang bumaba sa tatlumpu’t dalawa (32) ang binabantayang kaso ng COVID-19 sa Cagayan makaraang makarekober sa sakit ang walong indibidwal.

Ayon sa report ng Cagayan Provincial Information Office, ang anim (6) na kasong gumaling ay mula sa Tuguegarao City at dalawa naman sa bayan ng Aparri.

Nakapagtala naman ng tatlong panibagong kaso ang mga bayan ng Alcala, Enrile, at Tuguegarao City.

Kaugnay nito, nanguna pa rin ang Tuguegarao City sa may maraming kasong binabantayan na may walong kaso; 7 sa Gonzaga; lima (5) sa Tuao; tig-dalawa sa Alcala, Gattaran, at Lasam; at tig-isa sa mga bayan ng Allacapan, Ballesteros, Buguey, Claveria, Enrile, at Peñablanca.

Kabilang naman sa tumaas ang positivity rate ang mga probinsya ng Batangas, Cagayan, Cavite, Iloilo, Laguna, Pampanga, Rizal at South Cotabato.

Sa kasalukuyan ay nasa labing-walong lugar sa probinsya ang nananatiling COVID-19 Free.

Facebook Comments