Pambato ng Isabela, Kinoronahan bilang 1st Runner up sa Mister Homeland Philippines 2022

28
Cauayan City, Isabela- Hinirang bilang Mister Homeland Philippines 2022 1st Runner-up ang pambato ng Isabela na si Justine Rushell Geronimo mula sa bayan ng Sto. Tomas.

Ginawaran rin ng Powerscents Choice Award si Geronimo matapos mapili ng leading and growing local perfume brand.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya, labis ang kanyang tuwa sa pagkakapili sa kanya bilang 1st-Runner-up sa naturang kompetisyon.

Ang Mister Homeland Philippines ay isang advocacy pageant kung saan, isa sa kanyang adbokasiya ang pagkakaroon ng quality education sa buong bansa.

Matatandaan na naging aktibo sa serbisyo publiko si Geronimo sa pagsasagawa ng relief operation kasama ang kanyang grupo matapos ang nangyaring pananalasa ng bagyong Ulysses noong 2020.

Payo naman niya sa kapwa kabataan na ipagpatuloy ang pagtupad sa mga pangarap para sa mas magandang kinabukasan.



Nagtapos si Geronimo ng kursong Hospitality & Tourism Management sa Far Eastern University <www.facebook.com/FarEasternUniversity/>.

Facebook Comments