Tuguegarao City, Cagayan – kasalukuyang abante ang Lalawigan ng Cagayan sa kasalukuyang kumpetisyon ng Cagayan Valley Regional Athletic (CaVRA) Meet 2018.
Ito ay matapos na pangunahan ang medal standing sa pamamagitan ng kanilang 34 na ginto, 32 pilak at 34 na tansong medalya sa ika-apat na araw na kumpetisyon.
Sa ipinalabas na medal tabulation ng Dep-ed Tuguegarao ngayong alas singko ng hapon ng Pebrero 26, 2018 ay pumapangalawa naman ang Lalawigan ng Isabela sa kanilang 20-13-20 gold-silver- bronze medal count.
Pangatlo ang Lalawigan ng Nueva Viscaya sa kanilang 16-19-24 gold-silver-bronze output.
Pang apat ang Lungsod ng Ilagan na may 13-13-7 gold-silver-bronze medals
Pang lima ang Lungsod ng Santiago sa kanilang 7-2-4 gold-silver-bronze medals.
Dikit na pang-anim ang CAVRAA 2018 host Tuguegarao City sa 6-12-11 gold-silver-bronze na medalya.
Pang-pito ang Quirino sa 4-8-7, pangp-walo ang Cauyan sa 1-3-9 at pang-siyam ang Batanes na may 1-0-0 sa kani-kanilang gold-silver-bronze medal count.
Ang CaVRAA ay tagisan ng limang probinsiya at apat na siyudad ng Rehiyon Dos na kung saan ay pinagharian ito ng Cagayan sa 2017 edition.
Marami pang mga laro ang paglalabanan ng mga kalahok hanggang Marso 1, 2018 na siyang pinakahuling araw ng kumpetisyon.
Naging pabor naman sa mga atleta ang lagay ng panahon ngayong araw dahil sa maulap na kalangitan na nagdulot ng katamtaman na temperatura.