Mismong si PCol. Segundo Lagundi Jr, Director ng RIAS 2 ang nanguna sa nasabing aktibidad na layong masiguro ang kahandaan ng kapulisan hindi lamang sa kaalaman sa pagpapatupad ng batas, kasanayan sa pagbibigay serbisyo kundi maging sa mga kagamitan at imprastraktura ng lahat ng himpilan ng pulisya.
Kabilang sa mga inalam ng inspecting team ay ang “Tamang Bihis” ng mga kapulisan; kalinisan at kaayusan ng mga opisina; at mga kaukulang dokumento na maaaring hanapin ng mga kagawad ng Internal Affairs Service mula sa national headquarters.
Bahagi rin ng aktibidad ang Exit Briefing kung saan inilahad ng RIAS 2 ang mga aspetong kailangan pang mas pagtuunan ng pansin upang higit pang mapabuti at mapaganda ang Cagayan PPO.
Binigyang-diin Police Colonel Renell R Sabaldica, Provincial Director ng Cagayan PPO na ang Team CPPO 9-Point Program Thrust ay nakapaloob ang lahat ng mga programa at adbokasiya ng Cagayano Cops na sumasalamin sa kahandaan sa pagseserbisyo ng Cagayan PPO.
Tiniyak rin ni PD Sabaldica na ang buong pwersa ng PNP Cagayan ay patuloy sa pagsulong ng mga programang mas magpapaigiting sa serbisyo ng kapulisan sa iba’t-ibang sulok ng probinsya.