SWS survey na nagsasabing bumuti ang buhay ng mga Filipino, welcome development sa Palasyo

62

Ikinatuwa ng Malacañang ang pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagsasabing 32% ng adult Filipino ang nagsasabing na mas maayos ang kanilang buhay nitong April 2022 kumpara sa 24% noong December 2021.

Ayon kay Acting Spokesperson at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, isa lamang itong patunay na epektibo ang kasalukuyang pandemic response ng pamahalaan.

Nagawa ani Andanar na mabalanse ng pamahalaan ang pagtugon sa aspetong pangkalusugan at pang- ekonomiya.


Patunay din aniya ito na tuluy-tuloy na ang pagtakbo at pagbangon ng ekonomiya ng bansa sa gitna ng banta ng COVID-19.

Facebook Comments