Sunog sa Metropolitan Theater, kontrolado na

56

Kontrolado na ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) katuwang ang Manila Fire Department at mga volunteer ang sunog na nangyari sa loob ng Metropolitan Theater sa Arroceros, Ermita, Maynila.

Nagsimula ang sunog ng alas-8:55 ng umaga ng magsimula ang sunog na agad na itinaas sa ikalawang alarma makalipas ang limang minuto.

Alas-9:23 ng umaga naman ng ideklarang fire under control ang sunog na sinasabing nagsimula sa dating opisina ng ticketing office na ginawang barracks ng mga construction worker pero hindi naman apektado ang pinakasentro ng Metropolitan Theater.


Pansamantala namang isinara sa motorista ang kalsada patungong quezon bridge at bahagi ng Quiapo para bigyan daan ang mga bumbero upang tuluyang maapula ang sunog.

Wala pa namang inilalabas na impormasyon kung anong dahilan ng insidente habang wala rin naitala na nasaktan sa sunog.

Facebook Comments