Cagayan Valley, Nasa Moderate Epidemic Risk

Cauayan City, Isabela- Halos nasa moderate epidemic risk na ang classification ng buong Lambak ng Cagayan.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health Region (DOH) 2, ika-23 ng Mayo, nasa minimal epidemic risk pa rin ang Lalawigan ng Batanes habang nasa ‘low epidemic risk classification ang mga Lalawigan ng Isabela, Quirino at Lungsod ng Santiago.

Nasa ‘Moderate Epidemic Risk’ naman ang lalawigan ng Cagayan at Nueva Vizcaya.


Kung nailagay sa ‘minimal classification’ ang isang lugar ay mayroon lamang mas mababa sa isa sa bawat 100,000 na populasyon ang nagpopositibo sa COVID-19 sa loob ng isang araw sa nakalipas na dalawang linggo.

Ang mga nasa ‘low classification’ naman ay isa (1) hanggang pito (7) sa bawat 100,000 na populasyon ang nagpopositibo sa COVID-19 sa loob ng isang araw sa nakalipas na dalawang linggo.

Habang ang mga lugar naman na nasa ‘moderate classification’, hindi bababa sa pito (7) sa bawat 100,000 na populasyon ang nagpopositibo sa COVID-19 sa loob ng isang araw sa nakalipas na dalawang linggo.

Sa limang probinsya sa lambak ng Cagayan, nangunguna ngayon sa may pinakamaraming natitirang aktibong kaso ng COVID-19 ang Lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments