Cagayan Valley, Top Performing Agricultural Region sa buong bansa

Cauayan City, Isabela- Namayagpag pa rin ang Lambak ng Cagayan sa pagiging number 1 sa sektor ng Agrikultura sa buong bansa matapos idaos ang Regional Food Security Summit sa Isabela.

Ayon kay DA Regional Executive Director Narciso A. Edillo, kahit naranasan ang malawang pagbaha bunsod ng kalamidad gayundin ang kasalukuyang sitwasyon dahil sa pandemya ay napanatili pa rin ng Cagayan Valley ang pagiging top performing agricultural regions sa buong bansa.

Kaugnay nito, nagsilbing Top 1 corn producer ang rehiyon sa buong bansa sa nakalipas na 14-taon kung saan nakapagtala ito ng 25% sa national production habang nag-Top 2 naman bilang Palay Producer sa buong bansa simula taong 2012 hanggang sa kasalukuyan at nakapagbigay rin ng 14% sa National overall production.


Dahil dito, nanguna rin ang rehiyon bilang National Contributor to Philippines Rice Sufficiency kung saan nakapag-ani ng 1.6 million metric tons na palay.

Sinabi rin ni Edillo na napanatili ng lungsod ng Ilagan ang pagiging ‘Corn Capital of the Philippines’ simula pa noong August 2015; San Mateo, Isabela bilang Munggo capital of the Philippines simula November 2011; at Enrile, Cagayan bilang Peanut capital of the Philippines simula pa noong March 2015.

Samantala, sinabi naman ni BFAR Regional Director Milagros Morales na kailangan namang pang mapag-ibayo ang industriya ng isda sa rehiyon.

Facebook Comments