Cauayan City, Isabela- Nananatili pa rin na COVID-19 free ang Islang bayan ng Calayan sa kabila na may napaulat na dalawang (2) bagong nagpositibo batay na rin sa tala ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU).
Ayon kay Calayan Mayor Joseph Llopis, bagamat tubong Calayan ang nagpositibo ay hindi naman nakaapak at naka-uwi ang mga ito dahil stranded sila sa bayan ng Aparri.
Naging patakaran na rin ng LGU Calayan na lahat ng uuwi sa kanilang isla ay kailangang sumailalim ang mga ito sa RT-PCR test mula sa kanilang point of origin.
Ito aniya ang nangyari sa dalawa (2) nilang residente na nagpositibo sa test sa Aparri habang naghihintay ng biyahe pabalik sana ng isla.
Matatandaan na higit isang taon na walang naitatalang kaso ng COVID-19 sa Calayan.