Inilabas na ng Commission on Elections (COMELEC) ang Calendar of Activities para sa May 11, 2020 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Base sa COMELEC Resolution No. 10573, ang filing ng Certificates of Candidacy ay mula March 12 hanggang March 19.
Ang Election Period ay itinakda mula March 12 hanggang May 18 habang ang Campaign Period ay mula May 1 hanggang May 9.
Ang deadline sa paghahain ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ay sa June 10.
Nakasaad din sa resolusyon ang mga hindi pwedeng gawin sa loob ng Election Period:
- Pagbabago o pagtatayo ng mga bagong presinto
- Pagdadala ng firearms o iba pang deadly weapons
- Paggamit ng mga kandidato ng security personnel o bodyguards
- Paglilipat ng mga officer at empleyaod sa civil service
- Suspensyon ng anumang elective local officer
Bawal naman sa loob ng Campaign Period:
- Tumanggap ng anumang regalo – in cash o in kind
- Pagtatalaga ng special policemen o confidential agents
- Konstruksyon ng mga kalsada o tulay na pinondohan ng barangay
- Pagtatalaga ng mga bagong empleyado
- Pagbuo ng mga bagong posisyon
- Promotion, pagbibigay ng salary increase, at renumeration o privileges
Facebook Comments