Calendar of activities para sa Eleksyon 2022, inilabas na ng COMELEC

Photo Courtesy: Comelec District 2-Parañaque City Facebook Page

Nagtakda na ng schedule ang Commission on Elections (COMELEC) para sa Eleksyon 2022.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni COMELEC Chairman Sheriff Abas na itinakda nila ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa Oct. 1 hanggang 8, 2021.

Habang ang petsa para sa campaign period at ang mismong araw ng pagboto na ayon sa batas ay sa ikalawang Lunes ng Mayo.


Ayon kay Abbas, automated elections pa rin ang idaraos na halalan sa Mayo.

Sa ngayon, pinag-aaralan pa nila ang mga ilalatag na protocols para sa filing ng COC, pangangampanya at mismong pagboto upang matiyak na hindi kakalat ang COVID-19.

Facebook Comments