California Disneyland, pansamantalang ginawang Coronavirus vaccination center

48

Muling binuksan sa publiko ang California Disneyland para gawing isang malaking Coronavirus vaccination center.

Ito ay matapos ianunsyo ng otoridad na sa nasabing theme park gaganapin ang pagbabakuna dahilan para pumalo agad sa higit 10,000 katao ang nagparehistro.


Ayon kay Orange County Supervisor Lisa Bartlett, inaasahan nilang maraming residente ang mababakunahan sa kanilang estado.

Kabilang sa mga prayoridad na babakunahan ay ang may edad 65 pataas at mga health workers.

Facebook Comments