Call Center Agent, Arestado sa Pagtutulak ng Droga!

59

Cauayan City, Isabela- Arestado sa Lungsod ng Santiago ang isang call center agent na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang akusado ay nakilala na si Jodie Cariaga, 31 anyos, call center agent at residente ng Brgy. Magdalena, Cabatuan, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), si Cariaga ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Raul Babaran ng RTC Branch 19, 2nd Judicial Region, Cauayan City, Isabela.

Nakapiit na ang akusado sa Santiago City Police Office (SCPO).

Facebook Comments

From Advertisers