Thursday, April 16, 2026

78 taong gulang na biktima ng kidnapping, ligtas na nasagip ayon sa PNP; 4 na suspek sugatan matapos ang naging engkwentro sa mga kapulisan sa Parañaque City

Kinumpirma ng Philipine National Police (PNP) sa isang pahayag na ligtas na nasagip ang 78 taong gulang na biktima ng kidnapping kahapon ng gabi sa Macapagal Blvd. sa Parañaque City.

Ayon sa PNP, apat na hinihinalang mga kidnappers ang nasugatan sa engkwentro sa pagitan ng mga kapulisan na agad ding dinala sa pinakamalapit na ospital para sa atensyong medical.

Habang ang isang police officer na nasugatan din sa nasabing engkwentro ay nasa maayos nang kalagayan.

Binigyang-diin naman ng PNP na ang pangunahing layunin ng nasabing operasyon ay ang ligtas na pagkakarekober sa biktima na matagumpay namang naisagawa ng mga kapulisan.

Kaugnay nito, nagpapatuloy ang follow-up at hot pursuit operation para matukoy, matunton, at mahuli ang mga natitirang indibidwal na sangkot sa nasabing insidente.

Facebook Comments