Sisimulan ngayon ng DZXL Radyo Trabaho ang recorida o ang pagbaba sa barangay sa lungsod ng Kalookan.
Layunin nito na mapalawak pa ang serbisyong hatid ng kinikilalang official Radyo Trabaho sa kalakhang Maynila.
Kaya naman papunta na ngayon sa Caloocan City ang dalawang grupo na siyang iikot sa limang malalaking barangay sa lungsod, kabilang ang Barangay 8, 120, 132, 160 at 162.
Tampok sa misyon ng RT team ang mag-ugnay sa mga Caloocan residents at aplikanteng naghahanap ng trabaho patungo sa posibleng employer sa pamamagitan ng mga manpower agencies at PESO offices na partner ng DZXL Radyo Trabaho gayundin ang pamimigay ng flyers at stickers tungkol sa mga programang pang trabaho ng DZXL RMN Manila.
Batay sa 2015 census, mahigit 1.5 milyon ang populasyon ng Caloocan na isa sa mga highly urbanized city sa Metro Manila.