Revised Agreement, handang i-presenta ng MWSS sa Water Concessionaires

Nilinaw ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na ang estado ng extension ng Water Concession Agreements ay isasailalim sa re-negotiation.

Ito’y kasunod ng desisyon ng MWSS Board of Directors na binabawi nito ang resolusyong nag-aapruba sa pagpapalawig ng concession deals ng Maynilad at Manila Water.

Base sa extended contracts, patuloy ang water distribution ng Maynilad at Manila Water hanggang 2037, mula sa dating 2022.


Ayon kay MWSS Administrator Emmanual Salamat, hindi pa tuluyang binabasura ang extension at handa nila itong pag-usapan sa dalawang water companies.

Samantala, inatasan ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) ang Maynilad at Manila Water na mag-isyu ng kanilang posititon papers tungkol sa Board Resolution.

Facebook Comments