CAMP ng DOLE, bukas din sa mga maliliit na negosyanteng naapektuhan ng pandemya

Maaaring mag-apply sa COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) ang mga establisiyementong naapektuhan ng pandemya, gayundin ang mga establishment na accredited ng Department of Tourism (DOT).

Bukod ito sa mga manggagawang nawalan ng trabaho o mga pansamantalang natanggal sa trabaho.

Ang mga establishment na mag-a-apply online at kailangang mayroong ERS account o mag-register muna para makapag-apply.


Para naman sa mga manggagawang nawalan ng trabaho, kailangan lamang sagutan ng aplikante ang mga impormasyong hinihingi ng DOLE.

Ang mga benepisyaryo ng CAMP ay maaari nang masundan kung ano na ang estado ng kanilang aplikasyon sa pamamagitan ng internet.

Sa ilalim ng CAMP, maaaring makatanggap ang benepisyaryo nito ng tig-P5,000 financial assistance mula sa pondo ng pamahalaan sa ilalim ng Bayanihan 2.

Nag-isyu na rin ang DOLE ng Department Order (DO) No. 218, Series of 2020 o Guidelines sa implementasyon ng COVID-19 Adjustment Measures Program sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act.

Facebook Comments