Campaign materials na nabaklas ng Comelec, gagamiting ebidensya laban sa mga kandidato

Manila, Philippines – Gagamitin ng Commission on Elections (Comelec) na ebidensiya laban sa mga kandidato ang mga binabaklas nilang mga illegal campaign materials.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ang mga kandidatong mapatutunayang may illegal campaign materials ay kakasuhan sa paglabag sa Omnibus Election Code.

Bukod sa campaign posters na hindi sumusunod sa takdang sukat at wala sa common poster areas, kasama rin sa mga binaklas ang mga tarpaulin ng mga kandidato na may mga nakasulat na pagbati.


Kahapon ng simulan ng Comelec kasama ang PNP, DPWH, DOTr, LTFRB at MMDA ang joint operation baklas.

Sabi naman ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde, hindi lang sa Metro Manila gagawin ang oplan baklas.

Paliwanag naman ni LTFRB Chairman Martin Delgra III, pinapayagan ang paglalagay ng political ads sa mga pampublikong sasakyan pero dapat ay nakasunod ito sa guidelines ng Comelec.

Sa mga mahuhuling PUVs, kinakailangang magbayad ng P5,000 kung first offense at suspensyon o kanselasyon na ng prangkisa kung ilang beses nang lumabag.

Nilinaw naman ni Delgra na hindi ma-i-impound ang mga sasakyang mahuhuling lumabag sa campaign rules maliban na lang kung ito ay colorum.

Facebook Comments