Mga batas ng Pilipinas, nararapat lamang na sundin ng mga dayuhan – Palasyo

95

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Malacañang sa mga dayuhan sa bansa na sumunod sa mga itinatakdang batas sa Pilipinas.

Pahayag ito ng Palasyo matapos ang pagsasaboy ng taho ng Chinese student na si Jiale Zhang sa isang pulis sa MRT Boni Avenue Station sa Mandaluyong City.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kapag hindi umayos ang mga dayuhan tiyak na may paglalagyan ang mga ito.

Kasabay nito, umapela si Panelo sa publiko na huwag nang palakihin pa ang kaso ni Zhang dahil isolated case lamang ito.

Facebook Comments