Canada, mayroon na ring naitalang kaso ng 2019 n-CoV

Umabot na rin sa Canada ang hinihinalang kaso ng 2019 novel coronavirus.

Ayon sa Canadian Ministry of Health, isang lalaki na nasa 50-taong gulang ang nakitaan ng sintomas ng n-CoV, matapos siyang dumating sa Toronto nitong January 22 mula Wuhan, China.

Inilagay sa isolation ang pasyente at patuloy na ginagamot.


Habang nasa eroplano pa lamang pabalik ng Canada ay nakakaranas na ang pasyente ng sintomas at hindi niya agad ipinagbigay-alam ang kanyang kondisyon matapos lumapag sa Toronto Airport.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang mga awtoridad sa iba pang pasahero ng nasabing flight na sinakyan ng pasyente.

Sa ngayon, hinihintay ang resulta ng pagsusuri ng national microbiology laboratory para kumpirmahing positibo ang unang kaso ng n-CoV sa kanilang bansa.

Facebook Comments