CANADA – Naglabas ng travel advisory sa kanilang mga mamamayan ang bansang Canada laban sa Pilipinas partikular na sa Mindanao.Kasunod ito ng ginawang pagpugot ng bandidong Abu Sayyaf sa isa nilang kababayan na si John Ridsdel na kabilang sa 4 na bihag nito na dinukot Sa Samal Island noong isang taon.Batay sa kalatas na ipinalabas ng Global Affairs Canada, inabisuhan nito ang lahat nilang mamamayan na pag-aralang mabuti ang sitwasyon ng seguridad kung nagbabalak silang magtungo sa Mindanao.Kaugnay nito, tiwala ang Department of Tourism (DOT) na hindi mapapabagsak ng insidente ng pamumugot ng Abu Sayyaf ang lumalagong turismo sa bansa.Sinabi ni Tourism Secretary Ramon Jimenez na totoong may epekto sa turismo ang pamumugot pero minimal lamang ito.Ayon kay Jimenez, masyadong eksaherado ang mga pangamba na makakaapekto ang ginawa ng Abu Sayyaf sa industriya ng turismo.Katunayan, ngayong summer season, tumaas ng 14 percent ang tourist arrivals sa bansa.Nabatid na malaki na ang pinuhunan ng pamahalaan sa brand image ng Pilipinas hindi tulad ng dati na pabugso-bugso lamang ang kampanya.Sa ngayon aniya, ang umiiral na imahe ng Pilipinas ay isang magandang lugar na maaaring puntahan ng mga turista.
Canada, Naglabas Ng Travel Advisory Laban Sa Pilipinas… Department Of Tourism (Dot), Tiwalang Hindi Babagsak Ang Turismo
Facebook Comments