Ikakasa na ngayong hapon ng Commission on Elections (COMELEC) na umuupong National Board of Canvassers (NBOC) ang canvassing sa boto para sa mga kandidato sa pagka-senador at kinatawan ng partylists.
Ala-1:00 ng hapon itutuloy ng COMELEC-NBOC ang bilangan ng boto matapos na suspindihin kagabi ang canvassing dahil sa hinihintay pa ang electronic transmission ng election returns.
Bukod dito ay dumaan pa kasi ang mga vote counting machine sa Municipal Board of Canvassers (MBOC) at Provincial Board of Canvassers o PBOC pagkatapos ng halalan kagabi kaya wala na ring oras para ma-i-transmit ang boto sa COMELEC-NBOC.
Samantala, hinamon naman ni COMELEC Commissioner George Garcia ang mga hindi kumbinsido sa resulta ng halalan na maglabas ng ebidensya.
Ayon kay Garcia, mas pinaghusay pa ang sistema at mga kagamitan ng COMELEC kaya naman naging mabilis ang pagpasok ng resulta ng botohan mula sa maraming lugar sa bansa at well-trained din ang mga nangasiwa sa halalan.