Malaki ang posibilidad na mapaikli pa ang araw ng canvassing para sa mga kandidato ng presidente at bise presidente sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, ang orihinal na plano ay sisimulan ito ng alas-10:00 ng umaga at tatapusin ng alas-10:00 ng gabi saka babalik ulit kinabukasan sa pareho ring oras.
Pero maaari pa aniyang mapaikli ang araw ng canvassing lalo kung tuloy-tuloy ang bilangan ng boto dahil sa electronic na sistema.
Aniya, maaaring simulan nila ng alas-10:00 ng umaga at diretso na ng madaling araw kinabukasan kung kakayaning tapusin agad ang canvassing.
Pero depende pa rin aniya ito sa sitwasyon kaya sa mga susunod na araw ay magsasagawa pa sila ng huling pulong para rito.
Sa Mayo 24, araw ng Martes ay ita-transport ang mga balota mula sa Senado papuntang Batasan Complex.
Alas-10:00 ng umaga ay magbubukas ang Kongreso para sa isang joint session at pagsapit ng hapon ay magco-convene ang Kamara at Senado para sa pagsisimula na ng canvassing sa boto ng mga kandidato para sa presidente at bise presidente sa katatapos na 2022 elections.