Batas na magpapalakas sa SK, mas magpapaigting sa accountability ng mga kabataang lider

85

Tiwala si Iloilo Rep. Julienne Baronda na mas mapalalakas ng Republic Act 11768 ang mga batang lider sa bansa.

Ang batas na magpapaigting at magbibigay ng dagdag na honorarium at benepisyo sa mga Sangguniang Kabataan members ay nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Baronda, isa sa mga pangunahing may-akda ng batas sa Kamara bukod sa buwanang honoraria ay mapagkakalooban din ng iba pang pribilehiyo at oportunidad para sa paglago ang mga SK official at members.


Dadaan sa mga pormal na pagsasanay at mga pagaaral ang mga kabataan na nagnanais ma-qualify sa gampanin ng SK.

Bunsod nito ay mas lalong mapapalakas ang accountability ng mga batang lider sa sektor na kanilang pinagsisilbihan.

Facebook Comments