Senator Villar at Zubiri, mas mainam na maging magkasama sa halip na maglaban sa pagiging Senate president

138

Hangad ni Senator Sonny Angara na maging magkasama sa halip na maglaban sa pagka-Senate president sina Senator Cynthia Villar at Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

Kapag kasi naglaban sina Zubiri at Villar sa pagka-Senate president, ang sinumang matatalo sa kanila ay napupunta sa Minority Bloc.

Sabi ni Angara, matagal na silang magkakasama sa Senado kaya nais niya na manatiling magkasundo ang dalawa.


Inamin ni Angara na una siyang nakausap ni Zubiri ukol sa intensyon nito na mamuno sa mataas na kapulugan.

Ipinabatid ito ni Angara kay Senator Cynthia ng siya ay kausapin din siya nito ukol sa naturang posisyon.

Binanggit ni Angara na pwede namang mag-usap sina Villar at Zubiri kung sino muna sa kanilang dalawa ang magiging Senate president habang ang isa sa kanila ay italaga na munang Senate president pro tempore o majority leader.



Facebook Comments