Captain America at BTS, hindi natulungan ang Smart na mapataob ang Globe

Nakatagpo si Captain America at ang phenomenal BTS ng mabigat na kalaban sa katauhan ng Globe.

Ito ang natuklasan ng Smart Communications makaraang mabigo ang magarbong marketing campaign nito na kinasasangkutan ng superhero at ng superstars na mapataob ang Globe bilang No. 1 telco.

Tumaas ang mobile revenues ng Globe, gayundin ang data usage nito at mahigit sa 10 million subscribers ang lumipat sa kompanya sa gitna ng pagkabigo ng Korean superstars BTS, Crash Landing on You sweethearts Hyun Bin at Son Ye Jin at ni Captain America aka Chris Evans na iangat ang Smart sa No. 1 spot at gawin itong isang world-class brand.


Sa isang disclosure sa Philippine Stock Exchange (PSE) kamakailan, iniulat ng Globe na tumaas ang net income nito ng 27% year-on-year sa P23.7 billion noong 2021. Lumago rin ang service revenues ng Ayala-led firm ng 4% sa P151.5 billion sa pagtatapos ng 2021, mas mataas ng 2% sa 2019 levels.

Para sa 2021, ang revenues ng telco sa mobile business, na bumubuo sa 69% ng service revenue, ay tumaas ng 1% year-on-year sa P103.7 billion sa pagtatapos ng taon. Ang subscriber base nito ay umangat ng 13% sa 86.8 million sa naturang panahon.

Iniulat din ng Globe na ang home broadband segment nito ay nagbigay sa kompanya ng record-high P29.4 billion na revenues noong 2021, tumaas ng 10% year-on-year. Nahigitan din nito ang 2019 levels ng 35%.

Ayon sa mga analyst, sa kabila ng iba’t ibang suhestiyon sa kung paano aangat ang Smart ay mayroon naging pagkakamali.

Sa kanilang pag-analisa, nabigo ang marketing team ng Smart na magamit ang crowd-drawing power ng kanilang powerful brand endorsers para makabenta at kumita.

Maging ang PLDT bigwigs ay napansin umano ang marketing glitches at binabago ngayon ang  kanilang istratehiya.   Nag-a-adjust umano ang Smart sa market dominance ng Globe.

“Their ad campaigns this year are simpler, have touches of humor and are using less glittery influencers. Notably gone are the flamboyant and grand marketing strategies,” ayon sa mga analysis.

Ang Smart ay lumipat na sa ‘niche marketing’ sa layuning mapataob ang Globe.

Facebook Comments