BISOC Class "SANLIYAB", Nagsagawa ng Tree Planting Activity sa Quezon, Isabela

Cauayan City, Isabela- Nagsagawa ng tree planting activity ang mga kapulisan ng Basic Internal Security Operations Course (BISOC) Class ” SANLIYAB” sa Training Camp, Brgy. Mangga, Quezon, Isabela.

Pinangunahan ni PCol Dante A Lubos, Chief, Regional Learning Doctrine Development Division ang naturang aktibidad kahapon, Pebrero 19, 2022 kasama si LT Col Ernesto R Macasil, Chief, Regional Special Training Unit 2 at iba pang tauhan ng Regional Special Training Unit 2.

Umabot sa kabuuang bilang na 300 fruit-bearing at non-fruit bearing trees tulad ng “lumboy, santol, caimito, ipil, talisay (umbrella tree) at mahogany ang naitanim ng kapulisan sa naturang lugar.

Layunin ng nasabing aktibidad na maparami ang mga puno sa Lambak ng Cagayan at magkaroon ng mas ligtas na kapaligiran para sa mga susunod na henerasyon at makatulong sa epekto ng climate change.

Facebook Comments