CARD Program ng Kamara at Marcos administration, inilunsad sa Iloilo

3,000 mamamayan ng Iloilo ang natukoy na tatanggap ng ₱2,000 halaga ng ayuda at 25-kilo ng bigas.

Sa ilalim ito ng Cash and Rice Distribution (CARD) Program, na inilunsad ngayon sa Iloilo ng House of Representatives at administrasyong Marcos sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ginanap ang launching ceremony sa Guimbal Gymnasium ng Munisipalidad ng Guimbal, Iloilo.


Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, layunin ng programang ‘CARD’ na matulungan at mabigyan ng ginhawa ang mamamayan sa harap ng pagtaas ng presyo ng bigas at iba pang basic goods.

Ang CARD Program ay unang inilunsad sa 33 legislative districts sa Metro Manila, gayundin sa Biñan City at Sta. Rosa sa Laguna, Bukidnon at Isabela.

Kabilang sa mga benepisyaryo ng CARD program ay senior citizens, may mga kapansanan, at mga katutubo.

Facebook Comments