Cauayan City, Isabela- Wala nang buhay nang matagpuan ang isang caretaker ng bunkhouse sa Pengue Ruyu, Tuguegarao City, Cagayan.
Kinilala ang biktima na si Pedro Capuchino, 29 anyos, walang asawa, tubong Quezon, Naguilian, Isabela at kasalukuyang naninirahan sa farm ni Atty. Norman Lasam sa barangay Pengue Ruyu, Tuguegarao City.
Ayon sa kasama ng biktima na si Geraldo Lim, nagtungo ito sa loob ng kanilang bunkhouse upang gumamit ng banyo subalit nagulat na lamang ito nang matagpuan ang nakabigting katawan ng biktima gamit ang electric wire na itinali sa kahoy na suporta ng bubong ng kanilang tinitirhan.
Agad na ipinaalam ni Lim sa pamilya ng biktima ang naturang insidente at humingi ng tulong sa pulisya.
Tumanggi naman ang pamilya na isailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima dahil tanggap ng mga ito na nagpakamatay ang biktima.
Batay naman sa pagsusuri ng SOCO Team ng PR02, walang nakikitang foul play sa pagkamatay ng caretaker.