Isa sa mga pinakamabisang paraan ng information drive ng Carmen Municipal Police Station kontra iligal na dgoga ay ang kanilang mga isinasagawang “ Pulong-pulong”.
Tinutungo ng police personnel sa pamumuno ni Police Chief Insp. APRIL LOU MONSERATE PALMA ang bawat barangay upang kausapin ang mga residente hinggil sa kampanya ng gobyerno laban sa mga ipinagbabawal na droga.
Nitong linggo, kasama ng personnel ng Carmen-MPS ang ilang barangay official ng Barangap Pob. Carmen sa pamumuno ni Brgy. Chairman Joseph Navidad kung saan tingungo nila ang IP community partikular ang Manobo Village, Purok 14A, Poblacion ng nabanggit na bayan.
Sa pamamagitan ng “Pulong-pulong” ay ipinaliliwanag sa mga residente ang tungkol sa kampanyang Anti-illegal Drugs, ano ang masamang dulot ng iligal na droga sa kalusugan at sa buhay ng taong sangkot pagbibenta nito, isinasabay na rin sa “Pulong-pulong” ang kampanya kontra iligal na sugal ng pamahalaan, ang umiiral na curfew sa bayan at ang iba pang ordinansa ng munisipyo.
Maliban sa “Pulong-pulong” ay naglalagay din ng mga tarpaulin at namimigay ng leaflets ang Carmen-MPS na nagsasaad ng kampanya ng gobyerno kontra Illegal Drugs.
Carmen-MPS, mas pinaiigting ang info drive kaugnay ng anti-illegal drugs campaign ng gobyerno!
Facebook Comments