Manila, Phuilippines – Pabor ang grupo ng mga commuter sa mungkahi ng mmda na pairalin ang carpooling sa EDSA.
Ayon kay Lawyers for Commuters Safety and Protection President Atty. Ariel Inton, malaking bilang ng mga pasahero ang mga mababawas sa mga public transport kung ipapatupad ang carpooling sa EDSA.
Ganun pa man kailangan umano ng magbalangkas ng rules and regulation dito ang mmda para maiwasan na maabuso ang carpooling.
Ang mungkahi ni MMDA Chairman. Danilo Lim na carpooling sa EDSA ay una ng inilunsad ni dating MMDA Chairman Francis Tolentino sa pamamagitan ng isang mobile application na tinawag na friend trip.
Facebook Comments