Cauayan City, Isabela- Ipinanukala ni City Councilor Rufino Arcega sa konseho na magbigyan ng cash incentive ang mga magreretirong kawani ng LGU.
Ito ay bilang bahagi ng kanilang pagsuporta sa batas bilang R.A 8291 o pagbibigay ng karagdagang benepisyo at insentibo sa pamahalaan lalo na sa mga magrereretiro na kawani ng pamahalaan.
Ayon kay SP Arcega sa naganap na session kahapon, 60 years old at hanggang 15 taon sa serbisyo ang posibleng makatanggap ng retirement cash incentive.
Dagdag pa ni Arcega, kasama rin sa tatanggap ng nasabing cash incentive ay ang mga halal na opisyal sakaling mabuo nila ang 3 termino na magkakasunod sa pagseserbisyo sa lungsod.
Kaugnay nito, sa mga nagserbisyo ng 10-20 taon para sa casual employees ay tatanggap ito ng (P10,000.00) at (P20,000.00) naman para sa permanent employees, 21-30 taon ay tatanggap ng (P20,000.00) para sa casual epmployees at (P30,000.00) para sa permanent employees at 31 taon pataas ay tatanggap ng (P30,000.00) para sa casual employees at (P40,000.00) sa permanent.
Samantala, para naman sa mga halal na opisyal gaya ng City Mayor ay posibleng tumanggap ng (P100,000.00), City Vice Mayor ay (P70,000.00) at City Councilor naman ay (P50,000.00)
Sa ngayon ay magsasagawa pa ng committee hearing ang konseho kaugnay sa mungkahi ni Coun. Arcega bago pa man aprubahan ang nasabing panukala.