Cauayan City District Hospital, Muling Nagpaalala dahil sa Pagtaas ng Kaso ng Dengue!

*Cauayan City, Isabela-* Muling nagpaalala ang pamunuan ng Cauayan City District Hospital dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng sakit na dengue sa Lungsod.

Batay sa datos ng nasabing ospital, pumalo na sa 63 cases nitong buwan ng Agosto at kalimitang nasa 3 anyos ang tinatamaan na pinakabata habang nasa 72 taong gulang naman sa pinakamatanda.

Ayon kay Ginoong Reygie Lopez, District Hospital Administrator, pinakamataas pa rin ang lungsod ng Cauayan na may bilang na 35 cases kumpara sa iba pang kalapit na bayan na nagtutungo sa kanilang ospital gaya ng Alicia na may 9 cases, ang bayan ng Angadanan, Aurora, Benito Soliven, Ilagan, Naguilian, Palanan, San Mateo at Sta. Maria ay may tig-isang naitala, tatlo sa Reina Mercedes habang may anim naman na naitala sa bayan ng Luna.


Dagdag pa ni Ginoong Lopez na Top 3 barangay sa Lungsod ang Brgy. Nagrumbuan na may 10 kaso, San Fermin na may 5 at Minante Uno na may 5 dengue cases.

Hinihikayat naman ang publiko na ugaliin pa rin ang paglilinis sa kapaligiran na pwedeng pamugaran ng mga lamok na may taglay na dengue.

Facebook Comments