CAUAYAN CITY DISTRICT JAIL, HANDA NA SA PAGDIRIWANG NG CRS MONTH

Cauayan City, Isabela- Pinaghahandaan na ng Cauayan City District Jail ang kanilang selebrasyon para sa ika-11 BJMP Community Relations Month sa darating na buwan ng Hunyo taong kasalukuyan na may temang “Nagkakaisang Kawanihan, Sandigan ng Maunlad na Pamayanan”.

Sa panayam ng iFM Cauayan kay JO2 Karla Mae Calaunan, Community Relations Service ng BJMP Cauayan, isasagawa sa unang Linggo ng Hunyo ang Virtual kick off activity para sa 11th CRS month; Launching of “Tatlong Dekada” Coffee Table Book at Penology Profession Week.

Sa ikalawang Linggo, isasagawa naman ang J.A.I.L plan 2040 Communications Summit at 3rd BJMP Virtual Learning Series. Magkakaroon naman ng National Literary Writing Competition o Essay and Poem Writing sa ikatlong Linggo ng Hunyo na lalahukan ng mga Persons Deprived of Liberty o PDL at Jail officers ng BJMP.

Sa ika-apat na Linggo ng Hunyo, isasagawa ang Simultaneous Launching of Anti-drug Advocacy Campaign at National Painting Competition.

Sa huling linggo naman ng Hunyo, isasagawa na ang Culmination activity; Announcement of winners at Araw ng Pasasalamat at Ugnayan Awards 2022. Makakatanggap naman ng cash prize ang mga mananalo sa mga nasabing aktibidad mula sa pondo ng BJMP.

Umaasa naman ang pamunuan ng Cauayan City District Jail na makakakuha pa rin ng premyo o parangal ang kanilang mga pambato.

Ayon pa kay JO2 Calaunan, layon ng nasabing aktibidad na lalong makilala ang BJMP sa komunidad at madagdagan pa ang mga kaalaman at talento ng mga PDL.

Facebook Comments