ISA SA GUNMEN SA PAGPATAY SA ISELCO II INTERNAL AUDIT MANAGER, GUMAWA NA NG EXTRAJUDICIAL CONFESSION

217
Gumawa na ng isang extrajudicial confession ang isa sa dalawang gunmen sa nangyaring pagbaril-patay sa biktimang si Agnes Palce, ISELCO II Internal Audit Manager.

Kinilala ang isa sa mga suspek sa pamamaril na si Jervy Bulan na siyang gumawa ng Extrajudicial confession nitong Biyernes ika-27 ng Mayo taong kasalukuyan sa patnubay ng kanyang abogado.

Ang bumaril sa biktima ay ang kaniyang angkas na kinilalang si Barry Bulan, 43-anyos, may asawa, at residente ng Old Palengke, Brgy. Calamagui 1st, City of Ilagan.

Natunton ang dalawang gunmen sa isinagawang hot pursuit operations ng PNP Ilagan sa Centro Poblacion habang minamaneho ang motorsiklong ginamit sa pagsasagawa ng krimen.

Matatandaan na binaril-patay ng riding-in-tandem si Ginang Agnes Palce, ISELCO II Internal Audit Manager at may bahay ni Hon. Ariel Palce, RTC Judge ng Branch 40 Cauayan City, Isabela noong ika-25 ng Mayo taong kasalukuyan Brgy. San Felipe, City of Ilagan.

Nahaharap sa kasong Murder ang nasabing mga suspek at kasalukuyang nasa kustodiya ng Ilagan City Police Station.

Facebook Comments