Cauayan City Health Office 2, Nanawagan ng Kooperasyon ng mga Magulang sa School Base Immunization Program!

Cauayan City, Isabela – Patuloy na hinihikayat ng City Health Office 2 ang mga magulang sa kanilang kooperasyon sa School Base Immunization Program.

Ito ang inihayag ni Dra. Maria Christine Purugganan, Assistant Health Officer ng City Health Office 2 sa panayam ng RMN Cauayan.

Aniya nakakalungkot umano sa ngayon ang resulta ng kanilang pagbibigay ng bakuna dahil sa takot ng mga magulang sa isyu ng dengvaxia kaya’t patuloy na tinututukan nila ngayon ang pagkumbinsi sa mga magulang partikular sa East Tabacal at Forest Region dito sa lungsod ng Cauayan.


Pinaalalahanan narin umano ang mga magulang na huwag matakot na ipabakuna ang kanilang mga anak dahil sa marami umano itong naidudulot na maganda sa kalusugan ng mga bata.

Iginiit pa ni Dra. Purugganan na hindi umano sila titigil sa pagpapatupad ng nasabing programa para sa mga bata dito sa lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments