Cauayan City, Isabela- Pangatlo ang Lungsod ng Cauayan na may mataas na bilang ng teenage pregnancy o 2.76 na porysento kumpara sa Santiago City na nanguna habang pumangalawa ang Ilagan City at Panghuli ang Lungsod ng Tuguegarao sa City Category sa buong rehiyon dos.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Capt. Esem Galiza, Hepe ng Womens Children Protection Desk ng PNP Cauayan, nanguna ang Brgy. Villa Concepcion sa lungsod na may kabuuang 111 habang sinundan ng Brgy. District 1 na may 105, Brgy. Minante 1 na may 58, Brgy. San Fermin na may 50 at Brgy. Pinoma na may 49 kaso ng teenage pregnancy simula 2014-2018.
Aniya, patuloy naman ang kanilang ginagawang information dessimination katuwang ang Commission on Population upang ipabatid sa bawat barangay ang kahalagahan ng tamang pagpapamilya.
Ayon pa kay P/Capt. Galiza, Isang dahilan umano ng patuloy na pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy ay ang panonood ng pornsite ng mga kabataan na sanhi para gayahin ng mga ito.
Nananawagan naman si Capt. Galiza sa mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak para maiwasan ang ganitong sitwasyon.