Cauayan City, Isabela- Kabilang ang Lungsod ng Cauayan sa sampung mga lugar sa buong Lambak ng Cagayan na may pinakamaraming aktibong kaso ng COVID-19.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 as of September 3, 2021, pangwalo ang Cauayan City sa may mataas na aktibong kaso na may 188 habang nangunguna pa rin ang Tuguegarao City sa may pinakamaraming active cases sa rehiyon na umaabot sa 1,226.
Pangalawa naman ang bayan ng Baggao, Cagayan sa may mataas na active cases (368); pangatlo ang Ballesteros, Cagayan (248); pang-apat ang Cabagan, Isabela (210); panglima ang Alcala, Cagayan (197); pang anim ang Solana, Cagayan (196); pang pito ang Aparri, Cagayan (192); pang siyam ang Santiago City (187); at pang sampu ang Sta. Praxedes, Cagayan (179).
Ang Cauayan City ay kabilang rin sa mga lugar sa Isabela na nasa ‘High Risk Epidemic’.
Matatapos naman ang GCQ Bubble status ng Lungsod sa Setyembre 7, 2021 ng alas 12:00 ng hating gabi.