CAUAYAN CITY, PASOK SA TOP 5 FINALIST NG 2024 MOST BUSINESS-FRIENDLY LGU AWARDS

Cauayan City – Napabilang sa listahan ng Top 5 Finalist para sa 2024 Most Business-Friendly LGU Awards ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Cauayan.

Ang pagbibigay parangal na ito ay inorganisa ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) kung saan ang papili para sa mga finalists ay naka base sa kanilang naging performance sa paghubog ng kanilang lugar para sa business growth, at pag promote ng innovation para pagpapatuloy ng pag-unlad ng kani-kanilang lokalidad.

Samantala, bukod sa Lungsod ng Cauayan, napabilang rin sa Top 5 Finalist sa City Level 3 category ay ang Balanga City, Bataan, Island Garden City of Samal, Davao Del Norte, San Fernando City, La Union, at Tuguegarao City, Cagayan.


Matatandaang napabilang rin sa Top 5 Finalist Provincial para sa parehong parangal ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela.

Facebook Comments