Mula sa anim (6) na Barangay na binabantayan sa lungsod ng Cauayan na may aktibong kaso ng iligal na droga, ngayong buwan ng disyembre ay bumaba na lamang ito sa dalawa (2) Barangay.
Ayon sa naging eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ysmael Atienza, Chairman ng Isabela Anti-Crime Task force, sinabi nito na ang Brgy. San Fermin at Brgy. Cabaruan na lamang umano ang dalawang natitira na may pa ilan-ilan pang naitatalang kaso sa illegal drugs.
Ayon pa kay Ginoong Atienza, nakalatag na umano ang mga dokumento ng dalawang natukoy na Barangay at maaaring maaprubahan ang mga ito bago matapos ang taong 2022.
Matagal na rin umanong ninanais ni Atienza na mapabilang na ang Cauayan City sa isa sa mga Drug Cleared municipality sa buong lalawigan ng Isabela.
Kung kaya’t inaasahan na pagpasok ng taong 2023 ay posibleng makatanggap na rin ng naturang Drug Cleared seal ang lungsod ng Cauayan.
Facebook Comments