Cavite Gov. Remulla, ginamit ang ‘Daniela Mondragon’ meme sa pag-anunsyo ng class suspension

Hindi lamang ang Department of Tourism (DoT) ang nakaisip sakyan ang kasikatan ng “Daniela Mondragon” meme, maging ang si Cavite Governor Jonvic Remulla nakahanap ng paggagamitan nito.

Gamit ang meme, inanunsyo ng governor ang suspensyon ng klase sa lahat ng levels sa probinsya ng Cavite bukas, Hulyo 17.

Sa post sa kaniyang official Facebook account, may edited photo kung saan nakasuot ng salbabida si Remulla na sinuong ang baha para pigilan sa pag-alis si Daniela na karakter ni Dimples Romana sa “Kadenang Ginto”, dala ang iconic pulang maleta niya.


Sigaw ng governor sa photo, “Daniela, Huwag! Dito ka na lang sa Cavite. Walang Pasok Bukas (July 17), para sa lahat. Promise.”

Nalito naman ang ilang netizens kung seryoso ba ang anunsyo o pawang meme lang.

Kaya kasunod nito, nag-post din ng pormal na anunsyo ang gobernador ng forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

“It’s true. PAGASA forecast that there will be heavy rains from 3am to 11am in the entire province tomorrow, July 17’ 2019. Possible flash floods in the lowlands and landslides in the uplands. Stay home and be safe. This is for All LEVELS in Cavite.”

Facebook Comments