Cayamora Maute, payapang pupunta sa kabilang buhay ayon sa isang Sultan

Manila, Philippines – Malaki ang paniniwala ng isang Sultan na nagpakilalang kamag-anak na payapang makakatawid sa kabilang buhay si Cayamora Maute.

Si Cayamora ay namatay sa Taguig District Hospital alas-tres pasado kahapon.

Ayon kay Sultan Panangan Pangandaman, ang Sultanate ng Bandar Maharlika, walang kinalaman sa nagpapatuloy na giyera sa Marawi si Cayamora at ito ay kasalanan lamang ng Maute brothers.


Kinuwento nya ang background ni Cayamora na mabait, tahimik, masilag at payapa na namatay.

Aniya bilang isang responsableng tatay binigyan nito ng magandang edukasyon ang mga anak pero sinayang lang.

Pinag-aral pa sa ibang bansa at naligaw ng landas.

Si Cayamora ay nasa himlayang liwanag ng kapayapaan sa Norzagaray Bulacan at ayon kay Sultan Pangandaman dapat sa loob ng 24 oras mailibing na si Cayamora base na rin sa kanilang tradisyon.

Facebook Comments