Manila, Philippines – Sa ngayon ay nananatiling miyembro pa rin ng mataas na kapulungan si Senator Alan Peter Cayetano hanggat hindi siya nanunumpa bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs o DFA.
Ito ang nilinaw ni Senate President Koko Pimentel, kahit pa nakalusot na sa Commission on Appointments si Cayetano kahapon.
Yan ang din dahilan kaya pinayagan pang mag-valedictory speech si Cayetano sa session ng Senado kahapon kung saan siya ay nagpasalamat sa mga kasamahang senador.
Paliwanag naman ni Senate President Franklin Drilon, ang kinumpirma nila sa CA ay ang nominasyon ni Cayetano para maging kalihim ng DFA dahil wala pa ang appointment papers nito.
Samantala, kahapon bago magsimula ang session ay lumapit sa kanya Senator Nancy Binay at nakipag-shake hands.
Si Senator Binay at Cayetano ay nagkaroon iringan dahil sa pagsusulong ni Cayetano sa pagdinig ukol sa mga anumalyang kinakasangkutan umano ni dating Vice President Jejomar Binay.
Bago si Senator Nancy ay nauna na ring nagbatian at nag-shake hands si Cayetano at Senator Antonio Trillanes IV na ilang beses ng nakabangga at nagkapalitan ng maanghang na salita.
DZXL558