Gilas, nananaig pa rin sa SEABA champ; 5-0 na!

9

Manila, Philippines – Panalo ang Gilas Pilipinas kontra bansang Vietnam sa iskor na 107-52 sa SEABA championship.

Ito’y sa kabila ng hindi paglaro ni Andray Blatche dahil sa injury.

Tinapos ni Matthew Wright ang laro bilang top iskorer ng Gilas na naka-19 points.

Sinundan naman ito nila Calvin Abueva at Raymond Almazan na parehas na naka-16 points.

Ang top iskorer naman ng bansang Thailand na si Thanh Nhan Nguyen ay naka-11 points.

Ito na ang pang-limang sunod-sunod na panalo ng Gilas na may standing na 5-0 kaparehas ang bansang Indonesia.

Maghaharap ang dalawang bansa mamayang alas-siete ng gabi sa isang do or die na laban sa Smart Araneta Coliseum.
DZXL558

Facebook Comments