Superstar, patuloy ang recovery ng kanyang boses

83

Manila, Philippines – Nagsimula na si Superstar Nora Aunor sa pag-sailalim sa ilang serye ng treatment at session therapy para muling mabawi o ma-recover ang boses na minsan niyang naging puhunan.

Sa naging paunang check-up ni ate Guy, positibong ibinalita ng kanyang doktor na maswerte siya dahil hindi naapektuhan ang kanyang vocal chords.

Matatandaang tumigil sa pagkanta ang aktress matapos ang isang cosmetic surgery na naganap sa Japan may pitong taon na rin ang nakararaan.

Sa kasalukuyan, tinutulungan siya ng kanyang mga kaibigan na masolusyunan ang problema niyang ito.

Anya, ilan sa mga gumagabay sa kaniya ay ang kapwa niya singer na si Cherie Gil na nagmungkahi na komunsulta rin siya sa throat doctor ni Lea Salonga.

Sa ngayon, sumasailalim rin sa Nora sa vocalization exercise na patnubay ng voice teacher na si Kitchie Molina.

Kaugnay nito, hindi rin nakalilimot si Nora Aunor na magpahatid ng pasasalamat sa mga sumusuporta sa kanya gaya na lamang ng “Ang Dating Daan” TV anchor na si Daniel Razon at sa church leader nito na si Eli Soriano.

Nagpasalamat rin siya kina Robert Navoa at Melanie Quiambao ng UNTV Singapore na nag-asikaso sa kanila habang nasa isang check-up sa nasabing bansa.

Facebook Comments